(I wrote this one inspired by the song Love Story of Taylor Swift)
I was about to open the kitchen back door with my bag full of things nang biglang bumukas ang ilaw. Shucks, lagot na!
?Nina? San ka pupunta?? Paglingon ko akala ko si Dad pero si yaya pala. Lumapit ako sa kanya at hinawakan niya ako sa kamay.
?Yaya, hayaan mo na ko. Kailangan ko puntahan si Mark.? Begging her to let me go.
?Anak, alam mo ba yang ginagawa mo? Magagalit ang Papa mo pag nalaman niya to!? Paliwanag niya.
?Kaya nga ya I need your help. Ayoko na dito kay Dad. Magtatanan na kami ni Mark, nagpadala ako ng sulat kay Mela at alam kong darating siya sa tagpuan namin.? Pabulong kong sabi kay yaya. Umiling siya.
?Pero diosmio! Mga bata pa kayo!? lumalakas na ang boses ni yaya.
?I?m sorry ya but I really have to go. Kaw na muna bahala kay Daddy.? At hinalikan ko siya sa pisngi. Walang nagawa si Yaya Charito kundi panoorin na lang ako palabas ng pinto at sumampa sa kabilang bakod na di naman masyadong kataasan.
Oo, sasama na ako kay Mark dahil mahal ko siya. Dahil siya lang ang nakakaintindi sa akin. At alam kong di niya ako bibiguin. Di ko alam kung san kami dadalhin ng kapalaran namin pero alam kong di niya ako iiwan. ?Sorry Dad? tahimik kong usal habang tumatawid sa kalsada. Patakbo kong tinahak ang daan papuntang plaza. Dun kami magkikita sa likod ng monumento ni Rizal, yun ang sabi ko sa sulat. ?Hintayin mo ko mahal ko, andyan na ako.?
Madilim sa lugar na yon, expected ko na kaya nagdala ako ng flashlight. ?Mark, andito na ko. Asan ka?? Naghintay ako ng ilang mga segundo waiting for someone to respond. Ngunit wala akong maaninag na tao dun. ?Nalate siguro siya, nahirapan din sigurong tumakas.? Naupo ako sa may damuhan, naghintay ng ilang mga minuto. 1 minute, 2 minutes, 3.. 15.. 30.. 45 minutes?
At ang ilang minuto na yon ay umabot ng isang oras. Di ko na mabilang kung ilang lamok na ang nag-excursion sa skin ko. ?Ang tagal naman niya.? Ano na bang oras na? Magaalas tres na pala ng umaga! Di ako pwedeng magkamali sa oras na inilagay ko sa sulat; alas dos ng madaling araw sa likod ng monumento ni Rizal. Sa pagkakatanda ko isa lang ang monumento ni Rizal sa plaza namin. At dito kami madalas tumambay ni Mark, tuwing monthsary, birthday namin, lahat ng occassion. Magssneak out kami para lang magtagpo. Dahil oo, bawal pa ang pag-iibigan namin.
We?re still both 15. Pero we know our love is true. Nararamdaman ko yun. Kahit sabihin nila na puppy love lang to, di ako naniniwala. At kahit sinasabi na ng utak ko na di niya na ako sisiputin, sinisigaw pa din ng puso ko na di niya ako bibiguin. ?Mahal niya ko, sabi niya yon.. Mahal na mahal..? wika ko habang umaagos ang luha sa mga mata ko tanda ng kawalang pag-asa.. sa ilalim ng monumento ni Rizal,.. sa lamig ng hangin at sa hamog ng alas kwatro ng umaga. ?Di na siya darating..?
******
Nagising ako sa text ng bestfriend kong si Mela. Takte di ko pala nasilent ang phone ko kagabi bago matulog! Waisted na naman kasi. Nagtalukbong ako ng kumot nang biglang tumunog ang cellphone ko.
?Girl, anong petsa na? Wala ka bang balak siputin kami? bungad ni Mela ng sinagot ko ang tawag niya.
?May hang-over ako bessy eh, Pakisabi na lang sa kanila na,,.?
?Ano?!!! Hangover na naman! Ikaw girl, sobra na yan ha. Nagiging alcoholic ka ng masyado. And you didn?t even bother to tell me na you went out with other models last night! You need to attend the photo shoot today! Alam mo naman nirrush natin ang anniversary issue natin this month!? asik sakin ni Mela. Waaa.. Ang kulit talaga!
?Oo na, papasok na po. Huwag ka na magalit ok. Luv you bessy, bye!? and I ended the call. Dinial ang number ng PA ko. ?Isay, black coffee please and prepare my things. I have photo shoot today! I?ll be there in 15mins.? At nagshower na rin ko. Naknang alak yan! Bakit ngayon pa ako hinang-over?
I?m on my way to studio nang maalala ko ang nakita ko sa bar kagabi. I saw one familiar face staring at me while I was dancing like a girl in the Coyote Ugly movie. Birthday kasi ng manager namin so we threw out a party last night. Yeah, I am now a model of one signature apparel here in PI. It?s been my bread and butter for almost 3 years now. At ganito na nga lifestyle ko ngayon. Photo shoots, out of town, party and hectic scheds. Feeling ko napaka-stagnant ng buhay ko.
Masaya naman ako dahil hawak ko na ang mga desisyon. May sarili akong crib, a condo somewhere in Makati, and I definitely rule my world now. Ok na rin kami uli ni Papa though ilang years rin kaming not in good terms. Naintindihan ko narin naman na ang paghihigpit niya sakin noon. I?m his only family. Matagal na kasing wala si Mama dahil maaga siyang kinuha ni Lord. Sayang nga lang at di niya na nakita kung pano ako lumaki, nasaktan at lumaban sa buhay. At thankful ako na hindi ako pinabayaan ni Papa kahit na sobrang pasaway talaga ako non.
Bothered pa rin ako kung totoo nga ba ang nakita ko kagabi? Siya nga ba talaga yun? That?s impossible! Baka guni-guni ko lang dahil sa sobrang dami ng tequila shots ko. Takteng alak talaga yan! Promise di na talaga ako iinom! Dumiretso na ako sa dressing room para magpaayos. Italian fashion ang trend ng clothing line namin ngayon. And proud ako na isa rin ako sa designers ng company. Actually fashion designer talaga ang inapplyan ko dito, but eventually naging model narin ako. Ready na ako for photo shoot nang dumating si bestfriend Mela sa room. Siya ang director sa shoot na to. Bongga ang sister ko noh.
?O andito ka na pala. Kaw na next na sasalang!? tas nagbeso kami.
?Bessy sorry ha! Pasaway pa rin ang bessy mo.? Paumanhin ko.
?Tss ok lang yun noh, parang di na ako nasanay! O sunod ka na ha!? sabay bukas ng pinto palabas.
?Teka best! May kukwento ako sayo mamaya.? Habol ko. Lumingon siya sakin.
?Actually ako din eh may sasabihin pero mamaya na lang din.? Sabi labas ng room. Teka, totoo bang tinapunan ako ng nakakalokong ngiti ni bessy? Ah di siguro, baka hangover pa rin to. At nagready na rin ako sa pagsalang sa set.
Ilaw lang ng focus lights ang nakabukas, the rest madilim na. Halos wala na akong makitang staff at katawan lang ng photographer ang nakikita ko. Sanay na ako sa ganung photo shoot, mas gusto ko ang ganun dahil nakakapagconcentrate ako sa pportray ko sa harap ng camera. Confident na rin naman ang staff na alam ko na ang gagawin ko. Siyempre ako ang designer ng damit. Natapos ang photo shoot in 1 hour. Pero nagtataka ako sa bagong photographer namin ngayon. Ni hindi man lang sinasabi if ok lang ang posings ko or what. Well I know naman I did a great job at it pero weird talaga. Masabihan nga mamaya!
?Ok and that?s it! Great job sis!? cut ni Mela. Next model naman ang isasalang. Naglights on na and mejo nasilaw ako sa liwanag. Biglang kumabog ang dibdib ko nang makita ko kung sino ang photographer. Di ako pwedeng magkamali! Si Mark! Oo siya, ang dating Mark ko. Ang lalaking minahal ko ng sobra. Ang lalaking iniwan ako sa ere. Lumapit sakin si Mela at sinabing,
?Bessy, let me explain..? taka akong humarap sa kanya
?You knew about this best?? tanong ko sa kanya. Tumango siya.
Ano ba ang nangyayari, bat nandito si Mark, bat nag-eexplain si best? Eto ba ang dahilan kung bakit parang nakita ko si Mark sa bar kagabi dahil we work in the same company now? Naguguluhan ako! Parang nagnnumb ang utak ko. Atleast I?m sure di lang ito basta epekto ng alak. This is not happening to me! Bakit pa siya bumalik. Bakit ngayon kung kelan natutunan ko nang huwag siyang isipin? Bakit?
Umalis ako sa set na suot pa rin ang damit na dinesign ko. Gusto ko nang umalis ngayon din sa lugar na to. Lumabas ako sa studio ng nakayapak pa rin. Di ko alam kung saan ako pupunta, tumakbo lang ako ng tumakbo. Di ko akalaing after all these years na namuhay ako ng independent, matapang at palaban, heto ako at pilit pa ring tinatakasan ang mapait na kahapon.
Oo, kahit ipagduldulan ko man sa isip ko na hindi ko na siya mahal iba pa rin ang isinisigaw ng puso ko. Siguro yun na rin ang dahilan kung bakit di ko magawang buksan ang puso ko sa iba. Alam kong pinagtitinginan ako ng mga tao sa suot ko, may mga nakakakilala siguro or meron din namang nawweirduhan lang sakin pero wala akong pakialam. Kahit makita pa nila akong umiiyak habang tumatakbo. Sumakay ako ng taxi at sinabi sa driver na,
?Sa BF Homes po kuya.? Sa gate lang ako ng subdivision bumaba.
?Ok lang po kayo ma?am?? tanong ng guard pagkababa ko from taxi. Tumatakbo pa rin ako, umiiyak. Bakit ba kailangang buksan uli ang sugat na matagal ko ng di ininda.
Makulimlim ang langit. Tila nakikidalamhati sa bigat ng pasan na dinadala ko. Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa park. At pumunta sa lugar kung saan nangyari ang lahat.Doon ko nilabas ang sama ng loob ko. Halos maubos ang lahat ng luha ko sa sobrang sakit na nararamadaman ko. ?Bakit kailangang guluhin mo uli ang buhay ko Mark? Tanggap ko na, na di mo ako kayang ipaglaban gaya ng ginawa ko para sayo. Bakit kailangang ipaalala mo pa uli sakin ang sakit na dulot ng pag-ibig ko sayo?? Nakayuko ako at nakaupo sa damuhan.
Parang isang teenager na nagmahal, umasa at nabigo. Naramdaman ko na lang na may yumakap sakin. Isang pamilyar na yakap na kahit ilang taon na ang nakalipas ay kabisado ko pa rin ang pakiramdam. Kahit gusto ko ang nararamdaman ko di ganun kadaling kalimutan ang lahat. Nagpumiglas ako at tumayo, ngunit ang simpleng yakap ay lalong humigpit. Tumalikod ako at biglang, PAK!
?Ang kapal ng mukha mong sundan ako dito!? asik ko sa kanya. Alam kong halos mabingi siya sa lakas ng sampal ko. Pero di ko mapigilan ang sarili ko. Gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko sa kanya.
?At ang kapal din ng mukha mong magpakita sakin matapos mo akong saktan!? at umalagpas na ang lahat luha ko.
?I?m sorry mahal ko?? pagkasabi non ay isang malutong na sampal uli ang pinadapo ko pisngi niya.
?Wala kang karapatang tawagin akong mahal dahil di mo alam ang ibig sabihin non!? Galit na galit ako halos sumabog ang dibdib ko sa galit na kinimkim ko sa loob ng ilang taon. At ang nakakainis pa, di man lang siya nagsasalita. Hinayaan niya lang akong sampalin at hampasin siya.
?I?m sorry.. Di ko sinasadyang saktan ka.? Sumamo niya
?Wala ka na bang ibang sasabihin kundi sorry? Naghintay ako Mark! Umasang darating ka, dahil alam kong hindi mo ako bibiguin. Dahil sabi mo mahal mo ko! Sinabi mo yun Mark at naniwala ako. Naniwala akong magiging masaya ako sa piling mo. Pinaniwala mo ako sa mga kasinungalingan mo! Naghintay ako, inintindi ka hanggang sa mapagod ako. At ngayon magsosorry ka at sasabihing mahal mo ko? Tama na Mark! Natutunan ko ng wag masaktan ng dahil sayo. Magtira ka naman para sakin!? habang umaagos ang luha sa mata ko.
Nakita kong gusto akong yakapin ni Mark, he?s crying that time. At nagsimula naring bumuhos ang ulan. Ramdam kong sincere siya sa sinabi niya. Pero mas masakit parin ang sugat na dinulot niya. Umiwas ako, paalis sa lugar na yon pero tinawag niya ko.
?Nins, makinig ka muna sakin!? Huminto ako ngunit di pa rin ako humaharap sa kanya.
?Di ko sinasadyang saktan ka. Alam mong mahal na mahal kita! At di lang basta basta ang pagmamahalan natin! Ginawa ko lang ang alam kong tama para satin. Kung alam mo lang kung ilang taon akong nagtiis para dumating ang araw na makita ka uli at mayakap. I damn miss you so much.? Mahabang wika ni Mark sa pagitan ng hikbi at iyak. Halos mapiyok siya habang sinasabi yon pero di pa rin ako natinag sa kinatatayuan ko. ?Siguro nga deserve ko lahat ng sampal at hampas mula sayo. Kulang pa yon sa pang-iiwan ko sayo sa ere. Alam ng Papa mo kung gano kita kamahal. Nakuha niya ang sulat kay Mela at pinatawag ako samin ng araw na magtatanan tayo. Alam ng Papa mo kung paano ako nagmakaawa at nangakong hihiwalayan ka kapalit ng araw na pwede na kitang mahalin nang malaya, nang walang humahadlang. Nagtiis akong di ka malapitan hanggang sa dumating araw na binigay sakin ng Papa mo para hingin ang kamay mo. Kaya kong tanggapin lahat ng sumbat mo, pero huwag na huwag mo sanang isipin na hindi kita minahal. Mahal na mahal kita Nins. At hindi ako nawalan ng pag-asang darating ang araw na tutuparin ko ang pangako ko sayo nung mga bata pa tayo. You?ll always be my princess. Di ko pipiliting patawarin mo ako ngayon. Pero kung di ka pa rin naniniwala. Wala na akong magagawa.?
Matagal akong natahimik, di pa rin ako humaharap sa kanya.. Bumabalong pa rin ang luha sa mata ko. God kelan ba titigil and mata ko sa pag-iyak? Di ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Kung totoo man ang mga sinabi niya bakit ngayon ko lang nalaman to? Bakit kailangan kong isipin na iniwan niya ako? Na hindi niya ako minahal. Naging unfair ako sa kanya. Hinusgahan ko ang pagkatao ng taong pinakamamahal ko. Pero di ko masisisi ang sarili ko tinago nilang lahat to sakin. Pati ang bestfriend kong si Mela. Kaya pala lagi niya akong kinokontra pag sinasabi ko sa kanyang dapat magboyfriend na ako.
Lumingon ako para tumakbo at yakapin siya, sabihing ok na, naiintindihan ko na ngayon. But to my dismay, wala na siya.. He already walked away. Nasaktan ko siguro siya. At nasasaktan ako na nasasaktan siya sa sinabi ko. How could I be so stupid? Naiwan ako sa ilalim ng ulan.
Nagising ako sa vibrate ng cellphone ko sa ulunan. Ang sakit ng ulo ko, but this time hindi dahil sa hangover. Nagkasakit kasi ako nitong mga nakaraang araw dahil sa ulan, medyo umokay naman na kahapon pero ewan ko ba kung bakit masakit pa rin ang ulo ko. Nang tiningnan ko ang tumatawag nakita kong si Mela pala yun,
?Girl ano, nakalimutan mo na ba na may pictorial ka ngayon? Bumangon ka na jan, I?m on my way para sunduin ka ok?? huh, meron nga ba talaga akong sched ngayon? Ewan di ko pa ksi nakakausap ang PA ko since nagwalk-out ako sa set. Mga 5 days din ako di pumasok para magpagaling.
Well ayaw ko pa sanang pumasok dahil di pa ako fully recovered plus the fact na di ko kayang humarap kay Mark dahil sa mga nasabi ko sa kanya, pero kailangan kong pairalin ang professionalism ko. Nagtataka ako kung bakit susunduin pa ako ni bessy, pero naisip ko na lang na baka gusto niya lang bumawi sakin.
?Ok bessy, shower lang ako. Thanks sa wake-up call. Love yah!? and I ended the call. Oo, wala naman akong galit kay bessy dahil sa nangyari samin ni Mark, nagkausap na rin kami ni Papa. Alam ko namang it was an impulsive decision na makipagtanan kay Mark dati. Thankful din ako kay Yaya Charito dahil nasa tabi ko siya nung umuwi akong umiiyak samin nung di dumating si Mark. Anyway, what else should I do but to move on. Kailangan ko na sigurong tanggapin na mali talaga ako.
Nakarating kami sa venue ng photo shoot in no time. Church ang binabaan namin at nakita ko ang staff sa labas. Pumasok ako sa dressing tent at nagpaayos like I usually do in our pictorials. Nahulaan ko na rin na Wedding ang concept ng photo shoot. Di ko alam kung bat ako kinakabahan habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin.wearing that white wonderful dress. Ayaw kong lumabas knowing na si Mark ang kukuha ng pictures sakin.
?Liza, s-sino ang photographer natin ngayon?? tanong ko sa isang coordinator namin. Sasagutin niya na sana ako nang tawagin ako ng magiging director namin. Nagtataka nga ko kung bakit di si Mela ang director.
Anyway, hanga ako sa setting ng photo shoot, parang makatotohanan. Close ang pintuan ng simbahan. At napakganda ng flower arrangements sa labas. Sabi ng director kukuhanan daw lahat ng angulo ang entourage so it is necessary to walk on the aisle. So when he said roll the film, I gave my best smile. Yung parang ako talaga ang ikakasal. Pagbukas ng simbahan mas lalo akong namangha sa ayos nito. Parang eto yung pinapangarap kong wedding nung bata pa ako. Ganito ang pinangarap namin ni Mark. Its white all over the place. Bigla akong nagtaka nang tumunog ang church organ. Teka kailangan pa ba yon?
Habang naglalakad ako papuntang altar may nakita akong isang pamilyar na mukha. Si Yaya Charito andito? Lumingon ako para makita kung sino ang nag-abot ng braso sa kamay ko. Si Papa! Why are they here? And why is he crying? Subconciously napaiyak na rin ako.Lalo akong naiyak nang makita ko si Mela nakagown, umiiyak pero nakangiti. Di pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. At halos mahimatay ako ng makita ko kung sino ang naghihintay sa akin sa altar. Si Mark. Ang taong mahal ko. Napakagwapo niya sa suot na white tuxedo. Parang isang prinsipeng hinihintay ang kanyang prinsesa upang iharap sa altar.
Tumingin ako kay Papa bago niya iabot ang kamay ko kay Mark.
?I want to make you happy anak.? At hinalikan ako sa noo.
?You already did Pa, Thank you so much!? At yumakap ako sa kanya. I didn?t know he loves me this much.
?Please take good care of my daughter, son.? Baling niya kay Mark.
?With all my heart sir.? At iniabot ni Papa ang kamay ko sa kanya.
Humarap ako kay Mark, nagtataka pa rin sa nangyayari.
?Mark, I thought..? he cut me out. He knelt on the floor.
?No, I?m not gonna give you up that easy. Not before, not now, not ever. So may I ask If I can still be your prince, my princess?? he smiled at me. Damn I miss that smile. It?s melting my heart.
?I don?t? know what to say.. I?.? I?m about to say I?m overwhelmed. And so happy but,
?Just say yes..? he said. At niyakap ko siya ng mahigpit with tears of happiness on my eyes. I never thought na mangyayari pa to sa buhay ko. After a long wait, dumating na rin ang katuparan ng fairy tale dream ko.
?Yes, yes, definitely yes!? I said, I hugged him so tight. Nagpalakpakan ang mga tao. I saw all my love ones there pati ang family ni Mark, masaya rin sila para samin. The ceremony started and that?s how we began to live happily ever after…
